top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Suspek sa pag-ambush sa prosecutor | 2 TIGOK SA MGA PULIS

Jeff tumbado
Jun 18, 2019
1 min read

NAPATAY ng pulisya sa ikinasang operasyon ang dalawang suspek sa pananambang kay Oriental Mindoro Provincial Chief Prosecutor Josephine Caranzo.

Ito ang ipinahayag ni Police Brigadier General Tomas Apolinario, Regional Director ng Police Regional Office 4B.

Ayon kay Apolinario, nakipagbarilan ang dalawang suspek sa mga pulis sa Calapan City, alas-8:00 ng umaga ng Lunes.

Noong June 10, pinagbabaril si Caranzo habang papasok sa kanyang bahay sa Bgy. Uno, Calapan City.

Kasalukuyang ginagamot si Caranzo matapos isailalim sa operasyon dahil sa tinamong mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Nakuha naman sa lugar ng engkuwentro ang mga baril na ginamit ng dalawang suspek na patuloy pang inaalam ang kanilang pagkakakilanlan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page