RIDER SUMEMPLANG, NAGULUNGAN NG TRAK, UTAS
Levi Gonzales
Jun 18, 2019
1 min read

TODAS ang isang rider matapos sumemplang at magulungan ng trak sa Bgy. Sta. Rita Karsada, Batangas City.
Alas-9:30 ng gabi, sakay sa kanyang motorsiklo si Aldrin Morante at pagpasok niya sa kahabaan ng naturang highway nang bigla itong sumemplang.
Nawalan ito ng kontrol hanggang samatumba kung saan eksakto namang paparating ang truck.
Nagulungan siya nito at tumakas naman ang driver.
Dinala siya sa pagamutan subalit, idineklarang dead-on-arrival.





Comments