Pagsuspinde sa registered nutritionist-dietician

Dear Chief Acosta Magandang araw! Nais kong malaman kung maaari bang masuspinde sa trabaho ang registered nutritionist-dietitian kung sakaling hindi siya nakapagbayad ng kanyang registration fees at nakapag-renew ng lisensiya? —Marie
Dear Marie, Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa sitwasyon na inyong inilahad ay ang Section 24 ng Republic Act No. 10862 na mas kilala bilang “Nutrition and Dietetics Law of2016” kung saan nakasaad:
“SEC 24. Non payment of the Annual Registration Fees. – The Board shall suspend anRND from the practice of his/her profession for non payment of the annual registration fees for five (5) consecutive years from its last or previous year of payment and for non renewal of license every three (3) years.
The resumption ofhis/her practice shall take placeonly upon payment of the delinquentfees plus surcharges and interest, and in accordance with the rules of the Commission.
The five (5)-year suspension period may be interrupted upon written notice of the discontinuance of his/her practice and surrender of the certificate of registration to the Board and/or the Commission.” (Binigyang-diin).
Ibig sabihin, maaaring masuspinde ng Professional Regulatory Board of Nutritionist-Dietitian ang registered nutritionist-dietitian (RND) sa kanyang propesyon kung sakaling hindi siya nagbayad ng taunang registration fees para sa limang (5) magkakasunod na panahon ng pagrehistro mula nang huling pagkabayad nito at sa hindi pag-renew ng kanyang lisensiya sa bawat tatlong (3) taon.
Maaari lamang makapagpatuloy ang nasabing RND sa kanyang propesyon matapos niyang magbayad ng delinquent fees, surcharges at interest, sang-ayon sa alituntunin ng Professional Regulatory Commission.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan.
Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito.
Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay.
Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
_____________________________________________________________________________
Kung kayo ay may katanungan o nais ihingi ng payong legal, sumulat sa MAGTANONG KAY ATTORNEY ni Persida Acosta, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa attorney.bulgar@gmail.com





Comments