MISTER NAKURYENTE SA MIC, DEDBOL

DALAWA katao ang nasawi nang makuryente sa magkahiwalay na insidente sa Cotabato.
Isa sa mga biktima si Jordan Razon Dilaso, 35, may asawa, residente ng Purok Bromiliad, Bgy. Poblacion, Matalam, Cotabato.
Inaayos umano ng biktima ang microphone ng videoke machine nang makuryente ito.
Samantala, nakuryente rin si Christopher Baro, 36,may asawa at residente ng Bukidnon City.
Aksidente umanong nasagi ng boom truck ang live wire ng Cotabato Electric Cooperative sa Bgy Manubuan, Matalam, North Cotabato at nakuryente ang biktima.
Kapwa nadala sa pagamutan ang dalawa subalit, hindi na rin sila umabot ng buhay. (BRT)





Comments