top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malinaw ayon sa palad... MISIS NA NAKATAKDANG MAKAPAG-ABROAD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 18, 2019
  • 2 min read

KATANUNGAN 1. Mahirap lang kami at nangungupahan habang ang mister ko ay construction worker lang kaya nagpaalam ako sa kanya na mag-a-abroad ako at pumayag naman siya.

2. Nag-aayos na ako ng mga papeles ko ngayon, pero nang nagpa-medical ako, hindi ko inaasahan na bumagsak ako at ang sabi sa akin ng doktor ay magpagaling daw muna ako.

3. Sa ngayon, wala akong magagawa kundi sundin ang payo ng doktor at kapag magaling na ako ay saka na lang ulit ako mag-a-apply.

4. Ang gusto kong malaman, Maestro, kapag gumaling na ako, may tsansa kaya na makapag-abroad ako o sadyang wala talaga sa guhit ng mga palad ko ang makapagtrabaho sa ibang bansa?

KASAGUTAN

Hindi ka dapatmalungkot at mawalanng pag-asa, Katlyn, sapagkat,ayon sa guhit ng iyong palad, makapag-a-abroad ka, kaya lang sa kasalukuyan ay may bahagyang Guhit ng Hadlang (Drawing A. at B. d-d arrow a.) na kumansela sa Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, pero ito ay tanda na pansamantalang hadlang lamang ang pagkakasakit o ang pagbagsak mo sa medical examination at dahil bata kapa sa edad na 29, tulad ng nasabi na, basta sumunod ka lang sa inireseta sa iyong mga gamot at sa sinasabi ng iyong doktor, tiyak ang magaganap, paglipas ng ilan pang mga buwan o taon, gagaling ka at muling magiging maayos ang iyong kalusugan. Kapag physically fit ka na upang makapagtrabaho, muli kang mag-apply sa abroad at siguradong sa ikalawang pagtatangka o pagkakataon, walang duda, maluwalhati ka ng makapangingibang-bansa.

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Katlyn, tunay ngang bagama’t, hindi pa ngayon ang tamang panahon upang ikaw ay makapang ibang-bansa dahil nagkaroon ng bahagyang aberya sa iyong kalusugan, lilipas din ang problemang ‘yan at kapag magaling na magaling ka na,tiyak ang magaganap, tulad ng nasabi na at inaasahan, sa taong 2021, sa buwan ng Oktubre, sa edad mong 31 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong karanasan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page