KAWATAN NA NAMBIBIKTIMA SA OSPITAL, HULING-HULI SA CCTV

IBINABAHAGI natin ang modus ng isang demonyong lalaki sa mga kababayan nating may (mga) pasyente sa ospital na doblehin ninyo ang pagmamatiyag sa mga dumadalaw sa mga ospital dahil gumagala ang kasamahan ng suspek matapos itong masubaybayan at mahuli sa pamamagitan ng Closed Circuit Television (CCTV) camera.
Ayon sa CCTV footage, sa gabi sumasalakay ang (mga) animal na ito kung saan sinasamantala ang katahimikan ng lugar at ang mga nagbabantay sa mga pasyente ay nakakatulog kaya ito ang oras sa pag-atake ng (mga) hinayupak na ito.
Dahil sa CCTV footage, agad nagtalaga ang mga operatiba ng Makati City Police para mahuli ang kawatan kung saan na pag-alaman pa na paiba-iba ang suot na damit at pantalon ang balasubas na suspek para hindi ito makilala ngunit, hindi nagsisinungaling ang CCTV camera kaya sa isinagawang stake out ng kapulisan ng Makati City ay nasakote ang demonyong suspek kung saan naka-facemask at nagpagupit pa ang nakilalang si Raymond Villaruel na binibiktima ang mga mahahalagang gamit ng pasyente, bantay, empleyado at maging ang mga doktor ay hindi rin nakaligtas sa pagnanakaw.
Nananawagan ang mga awtoridad hindi lang sa nabanggit na siyudad na maging mapagbantay, makiramdam at alerto sa mga nagkukunwaring dalaw dahil ayon sa pulisya, maaaring may kasamahan ang mga animal na ito na nambibiktima rin sa ibang ospital.
Ikaw kaibigan, anong sey mo? Laging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko! Ligtas ang may alam!
Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!





Comments