Isinumbong ng kapitbahay | 2 HULI SA AKTONG NAGSA-SHABU

KULONG ang 47-anyos na bebot at 50-anyos na construction worker matapos maaktuhang nagsa-shabu sa Caloocan City.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Monaliza Alapide at Cirilo Paz, Jr., kapwa residente ng Bgy. 166.
Sa nakarating na ulat kay Caloocan Police Chief P/Col.Noel Flores, alas-3:00 ng madaling-araw nang makatanggap ng tawag mula sa concerned citizen ang Caloocan Police Community Precinct 6 hinggil sa umano’y nagaganap na pot-session sa kanilang kapitbahay.
Agad rumesponde sina PCpl. Edgar John Reyes at PCpl. Nolie Boy Gerero kung saan naaktuhan ng mga ito ang mga suspek na sumisinghot ng shabu.





Comments