top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

HOROSCOPE | Hunyo 18, 2019 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 18, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 18, 2019 (Martes): Huwag kang matakot kung mapapalayo ka sa pamilya o sa iyong bayang sinilangan. Buksan mo ang iyong isipan, ang pagpapayo ay makagagan

ARIES (Mar.21-Apr. 19) - Muling nagbalik ang mayaman mong imahinasyon. Magagamit mo ito sa anumang layunin mo sa buhay, pero ang pinakamaganda ay sa pagpapaunlad pang lalo ng iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-21-25-38-41.

TA U R U S (Apr. 20-May20) - Nagbababala ang araw na ito na mas malakas sa iyo ang mga mapagsamantala na ang hangarin ay maisahan ka. Humingi ka ng payo sa pinagkakatiwalaan mo bago ka magpasya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-19-20-22-26-34.

G E M I N I (May 21- June20) - Isip ang paganahin mo at isantabi mo muna ang iyong damdamin. Maaaring magkamali at magsisi ka sa huli kapag nagpatangay ka sa bugso ng iyong damdamin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-26-30-37-45.

C A N C E R (June 21- July22) - Hawak mo ang orasyon ng iyong kapalaran ngayon. Isang prebilehiyo ito na ipinagkakaloob ng langit para maging mabuti ang takbo ng buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-24-27-33-38-42.

LEO (July23-Aug. 22) - Hindi ito gabay ng kapalaran dahil ito mismo ay iyong mararanasan kung saan higit sa isa ang iyong maibibigay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-15-17-22-25-33.

VIRGO (Aug.23-Sept. 22) - Huwag mong kalimutang taglay mo ang kakayahang makipagtuos. Ilabas mo ito nang sa gayun ay hindi masobrahan ang iyong mga gastusin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-10-26-30-41-45.

LIBRA (Sept.23-Oct. 22) - Maraming nakakaing uod ang ibon na maagang gumigising. Hindi ka dapat mabiktima ng mga mandaraya na nag aabang sa mahihina. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-25-34-43-46.

SCORPIO(Oct. 23-Nov.21) - Kung ano lang ang kaya mo, ‘yun lang ang iyong ibigay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto - 10-14-17-24-31-34.

SAGITTARIUS(Nov. 22-Dec.21) - Narinig mo na ba na ang isang hakbang paatras ay dalawang hakbang pasulong? Ito ay epektibong pormula tungo sa tagumpay na mahigpit na ipinapayo para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-16-21-25-26.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan.19) - Kung ano ang nakita mo,‘yun ang paniwalaan mo. Gawin mo ito nang sa gayun ay makaiwas ka sa mga nang-uuto. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-16-20-25-35-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb.18) - Hindi mo na kailangan ang mahaba at maraming salita. Magkunwari kang malungkot at ang mga kagustuhan mo ay tiyak na masusunod. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-14-15-25-34-41.

PISCES (Feb.19-Mar. 20) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Maging masinop at mapagpahalaga ka sa mga suwerteng mahahawakan mo. Ito ang mensaheng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-7-11-18-20-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page