top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

BACOJO, LABOG AT DEROTAS, NAGHARI SA ASEAN CHESS

Eddie M.Paez, Jr.
Jun 18, 2019
1 min read

ITINANGHAL na kampeon ang mga kabataan mula sa Pilipinas na sina Mark Jay Bacojo, Eric Labog, Jr. at Vic Glysen Derotas sa kani-kanyang pangkat pagkatapos ng ikasiyam at huling round ng 20th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Age Group Chess Championships sa Lungsod ng Mandalay sa Myanmar.

Ni minsan ay hindi nakatikim ng pagkatalo si 9th ranked Bacojo (rating:1759) at matagumpay itong umangkla sa anim na panalo at tatlong draws para maagang maiuwi ang unang puwesto.

Kasama sa mga hinugutan ng Pinoy ng puntos sa bakbakang U14 sina no. 2 seed Tri Kien Le (Vietnam), no. 3 seed Aung Kyaw Myat (Myanmar) at no. 4 seed Sang Nguyen Duc (Vietnam) samantalang nahatak niya sa hatian ng puntos si Candidate Master at Vietnamese topseed Hy Nguyen Quoc.

Sa kabilang dako, nanggulat si Labog sa U18 na tropa matapos mamayani bagamat, siya ay seeded 15th lang sa torneo.

Tinapos ni Labog ang torneo na taglay ang anim at kalahating puntos at matagumpay na pinangunahan ang isang 1-2 wind-up ng Pilipinas dahil sumegunda sa kanya si Christian Mark Daluz na nagsumite ng 6.0 puntos.

Tatlong iba pang manlalaro, kasama ang isang Malaysian, isang Vietnamese at isa pang Pinoy, ang mayroon ding 6 na puntos pero si Daluz ang hinirang na bridesmaid sa tiebreak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page