ANTAS NG TUBIG SA ANGAT DAM, PATULOY SA PAGBABA — NWRB
- V. Reyes
- Jun 18, 2019
- 1 min read

PATULOY sa pagbaba ang antas ng tubig sa Angat Dam sa kabila ng pagdedeklara ng PAGASA sa pagpasok ng tag-ulan.
Ayon kay Dr. Sevillo D. David, Jr., Executive Director, National Water Resources Board (NWRB), batay sa huling monitoring noong Linggo ay nasa 162.39 meters ang water level sa Angat Dam.
Tinataya pa ng NWRB na aabot ng 160 meters ang antas ng tubig sa ikatlong linggo ngayong Hunyo dahil sa tinatawag na monsoon break o pansamantalang pagtigil ng pag-ulan.
Kasabay nito, nagbabala si David na maaaring magbawas ng alokasyon ng tubig ang Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS) na makaaapekto sa suplay ng mga water concessionaire sa Metro Manila sakaling bumaba pa sa 160 meters ang water level.
Sa ngayon, nasa 46 cubic meters per second ang alokasyon ng Angat Dam para sa suplay ng tubig sa Metro Manila.Umaasa si David na makararanas ng sapat na pagulansa mga susunod na araw para muling bumalik sa minimum operating water level na 180 meters ang Angat Dam.





Comments