AMA-TITANS, KAMPEON SA UCSAA PRE-SEASON

NAKAMIT ng AMA University ang kampeonato saUniversities, Colleges and Schools Athletic Association (UCSAA) Pre season Tournament matapos biguin ang Saint Dominic Savio College, 94-74, sa AMA-Quezon City Gym Linggo ng hapon.
Nagpamalas muli ng matinding shooting ang forward na si Luke Parcero para makuha ang tagumpay.
Dahil dito, iginawad kay Parcero ang Most Valuable Player at isinama siya sa Mythical Five.
Kasama sa Mythical Five ang forward na si John Matthew Bravo ng First City Providential College, mga guwardiyang sina Jay R dela Rosa ng AMA at David Velvez ng WCC-Aerotech College at sentro Bingbong Agustin ng SDSC.
Sa unang laro, nakuha ng WCC-Aerotech ang Third Place nang talunin ang FCPC, 64-54.
Namuno sa tagumpay ng Skyhawks si Johndel Kevin Joves.
Nakapasok ang Titans sa championship pagkataposng semifinals noong Sabado kung saan pinatid nila ang Skyhawks, 83-75, sa likod ng 20 puntos ni Francesco Asuncion kasama ang anim sa huling quarter.
Itinakda ng Unicorns ang kanilang laban sa AMAnang burahin nila ang Royal Eagles, 83-75. Lamang ang FCPC sa halftime, 30-19, pero humabol ang SDSC salamat sa pinagsamang lakas nina Jose Alejo Arellano at Agustin na pinasok ang pito sa kanyang 11 puntos sa huling mga minuto ng laro upang masayang ang 30 puntosni Bravo.
Ngayong tapos na ang preseason, maghahanda na ang UCSAA para sa kanilang ika-siyam na taon sa darating na Agosto. Bilang isang bagong tanggap na kasapi ng liga, tiyak na gagawin ng AMA ang lahat para maulit ang kanilang tagumpay.





Comments