9,000 PULIS, BANTAY SA SONA

AABOT sa 9,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) at iba pang force multipliers ang pakikilusin para sa seguridad sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22.
Ayon kay PNP Chief General Oscar Albayalde, sinimulan na nila noong nakalipas na dalawang linggo ang mga paghahanda upang matiyak na magiging maayos at ligtas ang mga aktibidad para sa SONA.
Anim na libong pulis ang idi-deploy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) habang galing ang may 3,000 puwersa mula sa iba pang yunit ng PNP, lokal na gobyerno at volunteer groups.
Sinisiguro ng PNP na paiiralin ang maximum tolerance at ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa mga grupong maglulunsad ng kilos-protesta upang hindi makalusot ang anumang pananabotahe.





Comments