top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

2 anak sapol din | CHINESE BUSINESSMAN NIRATRAT NG 2 RIDING-IN-TANDEM

Jeff Tumbado
Jun 18, 2019
1 min read

DEDO ang 51-anyos na Chinese national habang sugatan ang kanyang dalawang anak nang pagbabarilin sila habang nasa loob ng kanilang sasakyan sa Mandaue City, Cebu gabi ng Linggo.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Fi Yeng Guo Yang, habang mabilis na nadala sa pinakamalapit na ospital ang dalawang anak nito na hindi na pinangalanan.

Batay sa report, pauwi na sana ang mag-aamang Yang lulan ng kanilang van nang sila ay buntutan ng apat na armadong lalaki na sakay sa dalawang motorsiklo at nang makatiyempo ay agad silang pinaulanan ng bala sa kahabaan ng national highway sa Bgy. Cubacub pasado alas-10:00 ng gabi.

Sinasabing ilang metro na lamang umano ang layo sa subdibisyon kung saan nakatira ang mga biktima nang isagawa ang pananambang.

Nabatid sa imbestigasyon na nagmamay-ari ng retail at wholesale stores ang pamilya sa Mandaue at katabing bayan ng Consolacion.

Isa sa mga motibo sa insidente ay ang tangkang panghoholdap ng mga suspek sa negosyante habang patuloy pang iniimbestigahan ang krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page