top of page
Pokwang.jpg

Vendor tinepok ng riding-in-tandem

Pabs Hernandez III
Jun 17, 2019
1 min read

NORTH COTABATO—Isang vendor ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Pikit sa lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Joel Diana, nakatira sa Bgy. Calawag sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, pauwi na umano si Diana mula sa pagtitinda ng kakanin nang pagbabarilin ito ng dalawang hindi kilalang suspek na nakasakay sa motorsiklo.

Dinala pa ng mga saksi si Diana sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival, samantalang, nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page