Van vs. trak, 8 nadale


WALO katao ang sugatan nang bigla umanong bumagal ang takbo ng pampasaherong van at masalpok ng kasunod na delivery truck sa national highway ng Bgy. Tagbaya, Ibajay, Aklan.
Magkasunod na binabagtas ng dalawang sasakyan ang highway nang maganap ang insidente. Sinasabing biglang bumagal ang takbo ng van na minamaneho ni ‘Gabriel’, 29, kasunod ng pagtigil ng isa pang van sa kanyang unahan dahil sa naka-park sa tricycle.
Hindi agad nakapreno ang kasunod na trak kaya tuluyan itong sumalpok sa pampasaherong van na nagmula sa Caticlan at papuntang Kalibo. Tumilapon sa kabilang linya ng kalsada ang van na nasagi ng paparating na wing van truck.
Nagtamo ng bukol at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga pasahero na agad dinala sa Ibajay District Hospital na kalaunan ay inilipat sa Aklan Provincial Hospital.
Kasalukuyang nakakulong sa Ibajay PNP ang driver ng truck, ng Balasan, Iloilo. (BRT)





Comments