top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Shoutout sa mga sapat na ang ipon diyan... MGA BAGAY NA DAPAT IKONSIDERA SA PAGBUO NG PAMILYA

Hiraya
Jun 17, 2019
2 min read

HINDI natin maitatanggi na marami sa ating mga kakilala, kapamilya at kaibigan ang nagsisimula nang bumuo ng kani-kanilang pamilya. Sana all, ‘di ba? Char! Ha-ha-ha! Gayunman, ready nang bumuo ng pamilya o hindi pa, narito ang ilang bagay na dapat pag-usapan ng mag-partner bago magkaroon ng mga anak:

1. VIEWS ON DISCIPLINE. For sure, noong bata ka pa, naisip mo na kung paano didisiplinahin ang magiging anak mo. Bago kayo bumuo ng pamilya ninyo, make sure na mapagkakasunduan ninyong mag-asawa kung paano at gaano kayo magiging kaistrikto bilang mga magulang.

2. FINANCIAL VALUES. Sa panahon ngayon, napakalaking factor ng finances at dahil siguradong dito nakadepende ang future ng mga anak ninyo, dapat magkasundo kayo pagdating sa pagbibigay ng allowance, pagba-budget at pagbili ng mga luho nila.

3. EXPECTATIONS FOR YOUR RELATIONSHIP. ‘Ika nga nila, magkaiba ang pagiging mag-asawa sa pagiging magulang dahil ‘pag dumating na ang mga anak, nababaling na sa kanila ang atensiyon ninyo kung saan nakalilimutan na ninyong mag-asawa ang isa’t isa.

Dahil dito, dapat ninyong siguraduhing may quality time kayong mag-asawa kahit may anak na kayo.

4. YOUR MENTAL HEALTH HISTORY. Ang pagkakaroon ng anak ay napakalaking pangyayari kung saan may posibilidad nitong maibalik ang mental health issue mo o ng partner mo mula sa nakaraan.

Kaya bago kayo magkaroon ng mga chikiting, make sure na mapag-uusapan ninyo ito para mapatatag ang emotional support ng bawat isa.

5. HOW TO DEAL WITH SLEEP DEPRIVATION. Hindi lingid sa kaalaman natin na apektado ang pagtulog ng mga bagong magulang sa unang mga buwan ng pagkakaroon ng anak.

Kaya sa mga nagpaplanong magka-baby, make sure na napagkasunduan na ninyo ang schedule ng pagbabantay at pagpapatulog kay baby para makuha ang pahingang kailangan ninyo.

Tulad ng sinasabi ng matatanda, bago magpakasal ang mga magdyowa, ang pag-aasawa ay hindi parang kanin na kapag isinubo mo at napaso ka, eh, iluluwa mo na lang, ganundin sa pagkakaroon ng mga anak.

Napakalaking responsibilidad nito dahil may buhay na nakasalalay dito kaya kung plano n’yo ng mag-anak, besh, make sure na mapag-uusapan ninyo ang mga bagay na ito upang matulungan ninyo ang isa’t isa. Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page