PACMAN, NASA U.S. NA


NAKALAPAG na sa Amerika si Sen. Manny Pacquiao para roon na niya ituloy ang kanyang pag-e-ensayo para sa nalalapit na laban kay Keith Thurman sa Las Vegas, Nevada sa Hulyo 20.
Kahapon ay dumating na ang buong training team ni Pacman na pinangungunahan ng trainer na si Buboy Fernandez na kanyang kababata. “Mas maganda kasi na mas maaga pa lang dumating dito, para ma-acclimatize,” sabi ni Fernandez na inagahan na rin ang pagtungo sa U.S. upang makapaghanda nang husto ang kanyang boksingero.
Nasa 80 percent ready na raw ang kanyang alagang 40-anyos na Pinoy ring icon para labanan ang 30-anyos na American boxer.
Napaulat na makakasama nila sa tropa ang dating trainer ni Pacman na si coach Freddie Roach at nakaabang na ito sa Wild Card Gym upang masimulan ang training.
Daragdagan nila nang husto ang road work at footwork program ni Pacman upang mas maging matibay ito kontra astigin na si Thurman. (MC)





Comments