Lalaking gustong pumasa sa standard ng bebot na napupusuan

Dear Roma, Ako si Jake, 28 years old. Masasabi kong maganda at maayos ang trabaho ko kahit na hindi kalakihan ang aking suweldo. Payat lang ako, hindi kaguwapuhan. May napupusuan akong babae kaya lang dahil maganda talaga siya at mabait, maraming nanliligaw sa kanya. Palagi kong binabalak na ligawan siya, pero alam kong walang-wala ako sa ibang manliligaw niya. Ano ang dapat kong gawin para pumasa sa standard ng babae? — Jake
Jake, Ayon sa ilang Psychologist, ang mga kababaihan ay lubos na appreciative. Marami silang standard na hinahanap sa kalalakihan, ngunit, kung ipararamdam mo sa babae kung gaano siya kahalaga sa iyo, lahat ng standard na ‘yun ay maaaring mabalewala. Sabi nga ni Julia, “kapag tinamaan ka, tinamaan ka”. Kung mahal mo siya at sa tingin mo ay mabibigyan mo siya ng maayos at magandang buhay, bakit hindi mo subukan? Kung hindi ka niya sagutin, ano naman? Ang mahalaga, sinubukan mo at kung siya na ang babaeng pinapangarap mo, kahit hindi ka niya sagutin, huwag kang sumuko hanggang kaya mo pa at hindi pa siya nag-aasawa. Magpakatotoo ka, ‘yun lang, sapat na. Good luck at God bless sa iyo!





Comments