top of page
Search
  • BULGAR

Gimik ng mga dilawan, buking! | ‘Pinas at China, gustong pag-awayin para makaepal ang Estado Unidos

ABA, relax lang, huwag tayong magpadala sa dilawan na tila gustong pag-awayin ang Pilipinas at China dahil lang napalapit tayo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanila na noon pa ay gustong pahinain ng Estados Unidos.

Lumalabas ang kanilang galit sa China, tama ang matagal na nating suspetsa, ang dilawan ay mga alipores ng mga Kano!

Matatandaang, nagkaroon ng insidente sa Recto Bank sa West Philippine Sea (WPS) kung saan binangga raw ng Chinese vessel ang bangkang-pangisda na may lulang 22 mangingisdang Pinoy, hinayaan daw ng mga Tsino na lumubog ang sasakyan ng ating mga kababayan, gayunman, dumating ang Vietnamese vessel at ito ang sumaklolo sa kanila.

Bagama’t, nagprotesta ang Department of Foreign Affairs (DFA), tila gusto ng dilawan na magdeklara ng giyera si Pangulong Duterte laban sa China. Dapat daw maglabas ng statement ang pangulo, hinahanap nila ang ‘pagmumura’ ng pangulo.

Tila ipinararating ng dating DFA Secretary ni ex-P-Noy na si Alberto del Rosario na sobrang inaapi tayo ng China.

Samantala, si Supreme Court Justice Antonio Carpio, ang paratang niya na nasa ilalim na raw ng People’s Liberation Army ang sasakyan ng mga Tsino na bumangga sa sasakyan ng mga Pinoy, saan niya nabalitaan ‘yan, sa CIA? Hindi kaaway ang China, walang kaaway ang ating bansa kahit ang North Korea na kaaway ng Estados Unidos ay hindi ‘masamang tinapay’ sa atin. Sinasabi ng China na kanila ang mga teritoryo tulad ng Recto Bank sa WPS habang sinasabi rin natin na atin ito.

Gayunman, hindi dahilan ang hindi pagkakasundo sa teritoryo upang maging kaaway natin ang China, kailangan lang na tuluy-tuloy ang mahinahong pag-usap.

Grabe, ang mga gimik ng dilawan na pag-awayin ang ating bansa sa China.

Ang dilawang manunulat na si Richard Heydarian, teacher pa man daw sa La Salle, isipin ninyo, nag-post sa kanyang social media (Facebook) ng litrato ng isang bangka ng mga Pinoy na lumubog at pinalabas na ito raw ang bangkang nabangga ng mga Tsino, kamakailan.

Eh, ‘yung litrato niya ay litrato ng lumubog na barko noong 2018 at walang kinalaman d’yan ang mga Tsino.

Ang tatapang ng dilawan tulad nina Del Rosario at ex-P-Noy na awayin ang China, bakit napakatapang nila?

Dahil akala nila ay tutulungan tayo ng Estados Unidos kapag nagkaloko-loko at lusubin tayo ng mgaTsino para maokupa ang sinasabi nilang teritoryo natin.

Matatandaang, noong 2012 kung saan nagkaroon ng krisis sa Scarborough Shoal (Bajo de Masinloc) ay nagmakaawa sina ex-P-Noy at ex-Sec. Del Rosario kay ex-US Pres. Barack Obama na tulungan silang labanan ang mga Tsino para mapaalis ang mga ito roon.

Ang masaklap, nganga lang ang mga Kano na tila ang tugon pa, “ano kami engot? Ang usapan ay tutulong lang kami kapag mainland ang nilusob ninuman, pero hindi kami tutulong sa katangahan ninyo.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page