Davao City, may P217 million budget, kahit isang public school wala pang naipagagawa?
- BULGAR

- Jun 17, 2019
- 2 min read
PRO-CHINA NA DDS TRANSGENDER, PINARATANGANG SINUNGALING DAW ANG MGA MANGINGISDANG PINOY—Binatikos ng publiko ang transgender na DDS blogger na si Allantroy “Sass” Sasot dahil sa post niya sa social media na hindi raw kapani-paniwala ang pahayag ng mga mangingisdang Pinoy na binangga at pinalubog ng Chinese militia vessel ang kinalululanan nilang bangkang-pangisda sa West Philippine Sea (WPS).
Pambihira, nakaranas na ng pang-aapi at karahasan ang mga mangingisdang Pinoy sa mismong karagatan ng Pilipinas na muntik pa nilang ikamatay sa lunod, eh, dahil sa pagiging DDS at pro-China niya ay pinalalabas pa ni Sasot na sinungaling ang mga mangingisdang Pinoy, pwe ka!
◘◘◘
P-DUTERTE, ATRAS KAY EX-SEN. TATAD—Sabi noon ni P-Duterte na kapag nagkita raw sila ng personal ni ex-Sen. Francisco “Kit” Tatad na “nagtsismis” na siya ay may kanser ay sasampalin daw niya ito, pero nang magkita sila sa isang okasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) ay hindi niya sinampal ang dating senador sa katuwirang marami raw tao.
Patunay ‘yan na sadyang bully lang talaga si P-Duterte, boom!
◘◘◘
SAAN NAPUNTA ANG P217 MILYON NA PAMPAGAWA NG MGA ISKUL SA DAVAO CITY?—Ibinulgar ng Commission on Audit (COA) na sa kabila na may nakalaan naman daw na pondong P217 million ang Davao City para sa pampagawa ng 34 eskuwelahan nitong nakalipas na 2018 ay kahit isang public school daw ay wala pang naipagagawa ang city government.
Ang tanong, saan napunta ang perang ‘yan ng bayan?
‘Yan ang dapat iesplika sa publiko ng mag-amang P-Duterte at Mayor Sara Duterte-Carpio, period!
◘◘◘
LTFRB, JOIN SA MMDA SA PAG-BAN SA MGA PROVINCIAL BUS SA EDSA—Ipagbabawal na raw ng LTFRB na dumaan sa EDSA ang lahat ng provincial bus bago matapos ang June ngayong 2019.
Kung ganu’n, nasunod din ang kagustuhan ng MMDA na para hindi maabala sa biyahe ang mga de-kotse, ipagbawal na sa EDSA ang mga bus na sinasakyan ng mga probinsiyano, hu-hu-hu!





Comments