top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

BACOJO AT DEROTAS, ISANG HAKBANG NA LANG SA ASEAN CHESS

Eddie M. Paez, Jr.
Jun 17, 2019
2 min read

LALONG napalapit ang mga kabataang chessers ng Pilipinas na sina Mark Jay Bacojo at Vic Glysen Derotas sa korona ng kani-kanyang pangkat pagkatapos ng pitong rounds ng ginaganap na 20th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Age-Group Chess Championships sa Lungsod ng Mandalay sa Myanmar.

Mayroon nang anim at kalahating puntos si Bacojo, pang siyam sa rankings at may rating na 1759, mula sa anim na panalo at isang tabla para sa solong liderato sa grupo ng boys under 14.

Isang buong puntos na ang layo niya sa pumapangalawang si Candidate Master at topseed Nguyen Quoc Hy ng Vietnam.

Kasama sa mga hinugutan niya ng puntos sina no. 2 seed Le Tri Kien (Vietnam), no. 3 seed Kyaw Myat Aung (Myanmar) at no. 4 seed Nguyen Duc Sang (Vietnam).

Halos ganito rin ang sitwasyon ng umaalagwang si Derotas, may rating na 1749, sa bakbakan ng mga dalagita sa GU18 bracket dahil may bitbit na siyang anim na puntos may dalawang rounds na lang ang natitira. Ang iskor na ito ng 8th ranked Pinay ay isang buong puntos ang agwat sa sumesegundang si 4th seed Thuy An Le (rating: 1722) na pambato ng Vietnam.

Nag-iisa rin sa unahan ng U18 na pulutong si Istraelito Rilloraza (rating: 2102) matapos itong makakalap ng 5.5 puntos pero, dalawang karibal ang nakatutok sa kanya sa kartadang limang puntos. Ito’y ang kapwa Pinoy na si Eric Labog Jr. at si Malaysian topseed Rohan Shan Tze Navaratnam (rating: 2276).

Kasama rin sa may tsansa pa sa korona sa kani-kanilang grupo sina Allaney Jia Doroy, Angela Mecel Gudut sa G20 at G10 ayon sa pagkakasunod-sunod. Pero kasosyo nila sa kasalukuyan ang mga kinatawan ng powerhouse Vietnam.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page