top of page
Pokwang.jpg

Babala, June 17-23 | WALANG TUBIG, WALANG KURYENTE

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 17, 2019
1 min read

Ilang barangay sa Metro Manila ang mawawalan ng suplay ng tubig at kuryente ngayong linggo.

Sa Maynila, Makati at Pasig, posibleng magkaroon ng mahina o mawalan ng tubig simula ngayong araw dahil sa gagawing repairs ng Manila Water.

Magsasagawa umano ng valve at maintenance work sa ilang lugar na makaaapekto sa libu-libong residenteng sakop ng kanilang serbisyo.

Sa Maynila, magkakaroon ng pagkukumpuni sa Carreon corner Pedro Gil Streets sa Sta. Ana simula alas-6:00 ng gabi ngayong Hunyo 17 hanggang alas-6:00 ng umaga, kinabukasan.

Magkakaroon din ng repair sa Punta, Sta. Ana simula alas-10:00 ng gabi ng Hunyo 18 hanggang alas-6:00 ng umaga, kinabukasan.

Sa Martes ng gabi rin, magkakaroon ng repair sa Makati City sa Kalayaan corner South Avenue at sa maraming iba pang kalsada sa lungsod. Apektado ang ilang barangay tulad ng Guadalupe Viejo, Cembo, South Cembo, Poblacion, San Antonio at iba pa.

Para sa listahan ng mga apektadong barangay, tingnan ito sa Facebook page ng Manila Water o tumawag sa hotline nilang 1627. Samantala, inanunsiyo ng Manila Electric Company (Meralco) na mawawalan naman ng suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Metro Manila, Batangas, Cavite at Laguna ngayong Lunes, mula Hunyo 17-23.

Kaugnay ito ng mga pagkukumpuni na isasagawa sa nasabing mga lugar. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page