Sobrang inlab, pinakamaligaya raw sa lahat ng naging GF… JAKE, UMAMING 7 MONTHS NA SILA NI KYLIE
- BULGAR
- Jun 16, 2019
- 1 min read
Beth Gelena / BULGARY F

NAGSALITA na rin si Jake Cuenca sa tunay na relasyon nila ng Miss International 2016 na si Kylie Versoza.
Sa isang panayam, sinabi ng aktor, “We’ve been dating for seven months.”
Kung noon ay todo-iwas ang dalawang magkasama sa Los Bastardos, ngayon ay hindi na maipagkakaila ni Kylie ang sweetness nila ni Jake.
Ayon sa Kapamilya actor, mahal na mahal niya si Kylie.
Aniya, “I do love her from the bottom of my heart. Mahal na mahal ko siya. This is the happiest I’ve ever been.”
Ayon pa sa binatang aktor, hindi na siya bumabata kaya gusto niyang si Kylie na sana talaga.
Ang huling nakarelasyon ni Jake ay ang American model na si Sara Grace Kelley, ngunit naghiwalay sila nu’ng taong 2016.
Comentarios