LEGENDS FACEOFF: BEERMEN ‘DI PATITINAG; PF SA 1ST WIN

SISIKAPIN ng San Miguel Beer na kumpletuhin ang three-game sweep sa eliminasyon kontra Ginebra habang ang Purefoods ay pakay ang unang panalo sa UNTV Cup PBA Legends Faceoff na magpapatuloy ngayong Linggo sa kanilang laro sa Pasig City Sports Center.Ang panalo ng San Miguel sa 1:30 p.m. na engkuwentro kontra Ginebra ang maglalagay sa Beermen sa top spot ng playoffs kung saan nila makakaharap ang No. 4 team sa event na ang mabebenepisyuhan ay ang PBA Legends Foundation.
Mapapalaban ang Purefoods Hotdogs sa Alaska Milkmen ng 12 noon kung saan determinado si four-time MVP Alvin Patrimonio na pangunahan ang team sa una nilang panalo makaraang matalo sila sa unang dalawang laro. Ayon kay UNTV President at CEO Dr. Daniel Razon, isang tax-free na P2 million ang ipagkakaloob sa PBA Legends Foundation upang matulungan ang mga dating PBA players na may sakit at nangangailangan ng tulong pinansiyal. Nanggaling ang Beermen sa impresibong 76-61 na panalo kontra Milkmen kung saan si dating MVP winner Allan Caidic ang umiskor ng 15 puntos, lahat ay mula sa tiradang tres puntos. Inasahang maglalaan ng dagdag na puwersa para sa Beermen sina two-time MVP Danny Ildefonso, Kiko Adriano at Dondon Hontiveros.
Pero, kailangang maglaro ng Beermen na gamit ang utak at talas ng isip dahil sariwa pa ang Gin Kings mula sa 100-83 na panalo kontra Hotdogs. Bumida sina MPBL-bound Jayjay Helterbrand at Vince Hizon sa Gin Kings nang bumakas ng 28 at 25 puntos. Pupuwesto sa top seed ang Gin Kings sakaling talunin ang Beermen. Laro Ngayong LInggo: (Pasig City Sports Center) 12 noon – Alaska vs Purefoods 1:30 p.m. – Ginebra vs San Miguel.





Comments