top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Hirit ni P-Digong na gusto na niyang magpakamatay, hindi biro

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 16, 2019
3 min read

AYON kay P-Digong, may pagkakataong nais na niyang mag-suicide.

Hindi na biro ‘yan!

***

SA totoo lang, kakambal ng pagiging organismo ay suicidal tendency.

Ang mga selyula sa pisikal na katawan ng tao ay karaniwang suicidal.

Lahat ng selyula ay patungo sa extinction!

***

MALINAW na ang direksiyon ng anumang bagay sa ‘universe’ ay pagkatunaw.

Malinaw itong binanggit sa apocalypse.

Ang lahat ay mauuwi sa wala, dahil nagmula ang lahat sa wala!

***

LINGID sa kaalaman ng lahat, ang ultimate goal ng existence ay extinction o pagkatunaw.

‘Yan mismo ang kalika­san.

Gayunman, mula nang mabuhay ang tao na may isip ang kanyang conscious effort ay palaging patungo sa survival upang kontrahin ang likas na maging “suicidal”.

Ibig sabihin, ang may isip na animal kingdom o may ‘intelligence’ ay nagna­nais maka-survive o mana­tiling buhay.

Pero, ang likas na kultura ng lahat ng bagay ay patungo sa “black hole” o pagkatunaw!

***

KUNG sinasabi ni P-Di­gong na nais na niyang mag-suicide, ‘yan ay normal na kaisipan ng sinaunang organismo.

Nagpapakatotoo lang siya!

***

KAHIT sina Dr. Jose Rizal at dating Sen. ‘Ninoy’ Aquino ay sinasabing may “suicidal tendency”.

Alam at conscious sina Dr. Rizal at ex-Sen. ‘Ninoy’ na sila ay papa­tayin at mamamatay kapag tumapak sa tinu­buang lupa!

***

KAHIT alam nina Rizal at Aquino na mamamatay sila, pinili pa rin nilang umuwi.

Pareho silang suicidal.

Ang “suicidal tendency” ay kakambal ng pagiging martir.

Malinaw na si P-Di­gong ay likas na may dugong martir!

***

KAHIT ang doktrina ng mga sekta at relihiyon ay patungo sa suicidal o pag-iwas na mabuhay sa pisikal na sitwasyon.

Malinaw na inilalayo ng mga doktrina ng sekta at relihiyon ang mga tao o bawat nilalang na sumandal sa materyal.

Ang pag-iwas o pag­balewala sa materyal na bagay ay aktuwal na sintomas ng pagiging “suidical”!

***

AYON sa doktrina, hu­wag tayong magpundar ng kayamanan sa lupa, bagkus ay kayamanan sa langit.

Higit na mahalaga ang buhay sa kabilang-buhay kaysa sa kasalukuyang buhay sa ibabaw ng lupa.

‘Yan ang pundasyon ng mga doktrina!

***

ANG sinaunang tao ay nagtangka ring ipaalam sa kanilang henerasyon na “walang kabuluhan” ang materyal na bagay sapag­kat maglalaho itong lahat.

Nais nilang bigyan ng importansiya ang aspeto ng “mabuting pag-uugali” kaysa ang ten­den­siya ng pag-iipon ng materyal!

***

Sina Confucius, Hesu­Kristo at Buddha ay nagbu­bunsod ng paglayo o pag-iwas sa kalakaran ng materyal.

Ibig sabihin, mas gusto nila ang payapang sitwasyon at matatag­puan lamang ito hindi sa ma­teryal na daigdig, bagkus, sa sitwasyon ng paghi­hiwalay ng “kalu­lu­wa” at pisikal na katawan!

***

ANG mga kriminal ay walang duda na suicidal, gumagawa sila ng mga bagay na alam nilang kamatayan ang kauuwian, ‘yan ay likas na natanim sa kanilang subconscious.

‘Yan ang dahilan kaya hindi “parusa” ang death penalty, bagkus, ito ay “reward” sa kriminal!

***

ANG tunay na parusa sa kriminal ay hard labor sapagkat kailangan niyang maramdaman ang hirap habang siya ay nasa pisikal na anyo ng buhay.

Kapag pinatay ang kriminal, nakatakas na siya sa pananagutang “pantao at pangsosyal”!

***

ANG krimen ay hindi legal na isyu, bagkus, ito ay isyung medikal at panlipu­nan.

Kailangan “mapatay” ang mga kriminal, hindi bilang parusa kundi para maproteksiyunan ang kapwa tao sa kani­lang karapatang mabu­hay o pangalagaan ang ipi­nundar na bagay!

***

ANG pagiging suicidal ay kakambal ng pagiging organismo.

Ang pagtatangkang makaiwas sa pagiging suicidal ay kakambal ng edukasyon, sibilisasyon at talino ng tao.

Sinumang maunang mamatay ay sinapit niya ang normal na mithiin ng buhay.

Ang pagtatangkang maka-survive mula sa naturalesa ng “pagiging suicidal” ay maituturing na pag-unlad o moderni­sasyon kung saan sa bandang huli ay matutunaw din pagdating ng takdang panahon!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page