Habang nagsasampay | 16-ANYOS NAKURYENTE, DEDBOL

DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang 16-anyos na lalaki makaraang makuryente sa San Rafael St., Bgy. Poblacion IV, Bauan, Batangas.
Alas-7:50 ng gabi, abala sa pagsasampay si Rico Penano nang hindi umano nito napansin ang kable ng kuryente na nakapatong sa bubong ng kanilang bahay kung saan nadikit ang katawan nito.
Nagkikikisay ito bago bumagsak hanggang sa magtamo ng matinding sunog sa katawan.
Agad itong dinala sa ospital subalit, hindi na rin ito umabot ng buhay.





Comments