Curfew sa subdibisyon | LALAKI, TIGOK SA SEKYU

PATAY ang isang construction worker matapos barilin ng nakaalitang security guard nang sitahin ng huli ang una dahil maghahatinggabi na ay nasa loob pa ng subdivision na binabantayan nito sa Imus City, Cavite, kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Jayson Benedicto, 30, binata, construction worker, tubong Bgy. Talib, Aruroy, Masbate City.
Naaresto naman ang suspek na si Eddie Perez, Jr., security guard, residente ng Bgy. Alapan 2-A, Imus City.
Batay sa report, alas-11:30 ng gabi nang makipag-inuman ang biktima sa mga kapwa niya construction worker at nang matapos ay nagpahinga muna ito saglit sa labas ng unit na kanilang ginagawa.
Roon na siya nakita ng sekyu na nagro-roving at sinita ito dahil may curfew ang subdivision na ikinagalit ng biktima na nagresulta sa away ng dalawa hanggang sa bumunot ng cal. .38 revolver ang suspek at dalawang ulit na pinaputukan ang biktima na kanyang ikinamatay.





Comments