30 yrs. na raw na nagbabalita, buhay na buhay pa rin… SIGAW NI MIKE: 'DI AKO TAKOT SA DEATH THRE
- BULGAR

- Jun 16, 2019
- 1 min read

HINDI takot sa death threat ang veteran radio anchor na si Mike Enriquez. Sa mahigit na tatlong dekada niya sa larangan ng radyo at telebisyon, marami na siyang dinanas na pagbabanta sa kanyang buhay.
Dumating pa sa punto na pati ang kanyang maybahay ay binigyan na rin ng personal na bodyguard upang makatiyak ng kaligtasan. Pero, sa kabila ng mga death threats, hindi natakot at naduwag ang pambatong news anchor ng GMA Network.
At kahit na nagkaroon ng problema sa kanyang kalusugan, hindi pa rin tuluyang iniwan ni Mike Enriquez ang pagbabalita sa radio at telebisyon.
Araw-araw siyang napapanood sa GMA-7’s Dobol B sa News TV na umeere na ngayon mula Lunes hanggang Linggo. Nagraradyo rin siya sa Saksi sa Dobol B at 8 AM.
Nagbabalita rin si Enriquez araw-araw sa 24-Oras with Mel Tiangco and Vicky Morales.
May go signal ng kanyang mga doctor ang pagbabalik sa trabaho ni Mike kahit na three times a week ang kanyang dialysis. Hindi naman daw niya inaabuso ang kanyang katawan at kalusugan.
At kahit na may malaking pagbabago sa GMA News TV programming ay hindi siya nagpapa-stress.





Comments