3 pa sapol | KONSEHAL NIRATRAT, TODAS
- Madel Moratillo
- Jun 16, 2019
- 1 min read

PATAY ang isang konsehal ng barangay habang sugatan ang tatlong iba pa matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Pasig City, nitong Sabado ng madaling-araw.
Kinilala ni EPD Director P/BGen. Christopher Tambungan, ang nasawing biktima na si Bobby Nazareth, 43, konsehal ng Bgy. Sagad, miyembro rin ng banda.
Sugatan naman ang mga kasamahan nito sa banda na sina Ramon Balbastro, Jr., 61, at Anthony Salazar, 43; gayundin ang tricycle driver na si Larry Anto, 46.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasig City Police, alas-2:45 ng madaling-araw nang maganap ang krimen sa kahabaan ng Mercedes Ave., Bgy. San Miguel.
Una rito, tumugtog umano sina Nazareth, Balbastro at Salazar sa Inapuyan Resto Grill at matapos ang naturang gig ay sumakay sila sa tricycle na minamaneho ni Anto, para umuwi na sa kani-kanilang bahay.
Gayunman, pagsapit nila sa Mercedes Avenue ay bigla na lang silang pinagbabaril ng dalawang suspek.
Dead-on-the-spot si Nazareth na siyang naka-backride habang tinamaan din ang kanyang mga kabanda at nadamay din ang tricycle driver.
Patuloy na ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa krimen.





Comments