top of page
Pokwang.jpg

13 police scalawags, suspendido

J. Tumbado
Jun 16, 2019
1 min read

SINUSPINDE ng Cebu Provincial Police Office (CPPO) ang 13 nilang tauhan na nakatalaga sa iba’t ibang istasyon sa lalawigan.

Kasunod ito ng iba’t ibang uri ng paglabag at iregularidad sa kanilang serbisyo. Ayon kay Police Colonel Manuel Abrugena, habang nasa ilalim ng suspensiyon ang mga pulis ay hindi makatatanggap ng mga bonus at allowance ang mga ito.

Hindi naman pinangalanan ni Abrugena ang nasuspindeng mga pulis pero, galing ang mga ito sa iba’t ibang himpilan sa Ginatilan, Bojoon, Alcoy, Consolacion at Compostela.

Mayroon din umanong isa mula sa Provincial Personnel Holding, and Accounting Unit (PPHAU).

Sasailalim sa investigation process ang mga nasuspindeng pulis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page