Sumalpok sa road signage, utol grabe | PULIS PATAY SA MOTOR
- Janice Baricuatro
- Jun 15, 2019
- 1 min read

NASAWI ang isang pulis habang kritikal ang kanyang kapatid matapos silang tumilapon mula sa motorsiklo nang sumalpok sila sa road signage ng Maragondon, Cavite kahapon ng umaga.
Kinilala ang namatay na si Thom Nueva, 24, patrolman na nakatalaga sa PNP-SAF NCRPO, binata, residente ng Bgy. Sabang, Naic, Cavite habang ang sugatan naman ay si John Nueva, 22.
Nabatid na minamaneho ng pulis ang Yamaha Kawasaki Ninja na wala pang plate number alas-2:00 ng madaling-araw nang pagsapit sa Bgy. San Miguel B ay hindi napansin ang signage ng kalsada na repair/re-blocking kaya sumalpok dito.
Sa lakas ng impact, tumilapon ang dalawa at kapwa nadala agad sa San Lorenzo Hospital pero, dahil sa matinding pinsalang natamo ay hindi na rin umabot nang buhay si Thom.





Comments