Lolo tinodas ng riding-in-tandem

DEDO ang isang lolo matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo si Lazaro Jaime Torrelino, 62, ng Bgy. Muzon, habang mabilis namang tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksiyon matapos ang insidente.
Ayon kina PSSg. Jose Romeo Germinal at PSSg. Philip Cesar Apostol, alas-9:00 ng gabi, umiinom ng kape ang biktima sa harap ng kanilang inuupahang apartment nang dumating ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo at walang sabi-sabing dalawang beses na pinutukan sa ulo si Torrelino.
Sa inisyal na imbestigasyon, iniuugnay umano ang biktima sa pagkamatay ng kanyang kaibigan ilang taon na ang nakalilipas.
Patuloy na ang follow-up investigation para sa pagkakaaresto sa mga suspek.





Comments