Ito na ang huli Ni: James Ledesma


Ito na ang huli
na gagawa ako ng tula.
Ito na ang huli
na ikaw ang paksa.
Ito na ang huli
na mamahalin ka
dahil pinipili ko ang
magpaalam na.
Pagod na rin akong ipilit pa na
baka puwedeng ito’y maayos pa.
Kailangan ko na rin sigurong tanggapin
na ipinagpalit mo na ako sa kanya.
Kaya sisiguraduhin ko,
kung ito na ang huli hindi na ito mauulit muli.
Tatanggapin ko na pinili
mong itapon ang tatlong taon.
Para sa lalaking halos nakilala mo lang kahapon.
Kaya pinipili ko na lang
na panoorin ang inyong istorya.
Kahit sobrang sakit sa akin na makitang mas masaya ka sa kanya.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments