top of page
Pokwang.jpg

Hubad na bangkay ng bebot natagpuan

Pabs Hernandez III
Jun 15, 2019
1 min read

NUEVA ECIJA—Isang hubad na bangkay ng hindi kilalang babae ang natagpuan, kamakalawa sa malalim na kanal sa Bgy. Victoria, Llanera sa lalawigang ito.

Ang biktima ay tinatayang nasa pagitan ng 20-30 ang edad, kayumanggi at katamtaman ang pangangatawan.

Nabatid na magsasaka ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa nasabing lugar.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad kung biktima ng rape-slay ang biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page