top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | Hunyo 15, 2019 (Sabado)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 15, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG HUNYO 15, 2019 (Sabado): Bago mo payamanin ang iba, una­hin mo muna ang sarili mo. Hindi masama ang tumulong, pero dapat palaging inuuna ang sa­rili bago ang iba.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Aakalain mong masi­kip ang lan­das ng buhay na iyong tinatahak. Ang totoo, masikip nga ito, pero ito ay para sa mga gustong sumingit na ang layunin ay mabigo ka sa panga­rap mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-14-23-28-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Luma­yo ka sa mga paladaing. Mahahawa ka sa kanila at sa huli ay makikitang ikaw na ang daing nang daing. Hindi lang tukso ang nilalayuan, ang mga negatibong tao ay dapat ding iwasan. Masuwer­teng kulay-purple. Tips sa lotto-7-13-18-20-24-34.

GEMINI (May 21- June 20) - Matitikman mo ngayon ang maraming suwerte, kaya wala kang dapat ga­win kundi ang tangga­pin ito nang masaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-pink. Tips sa lotto-19-24-29-31-37-41.

CANCER (June 21- July 22) - Pagtutok ang kailangan sa bagay na gusto mong mapasaiyo. Ang ibang bagay ay kali­mutan mo muna. Isa lang ang dapat mong bigyan ng pansin. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran nga­yon. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-5-16-24-38-45-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Na­katutuwang isipin na ang nauunang ma­kipaglaban ay una ring nabibigo. Sa kabiguan ng mga nauna, mas magan­dang kumuha ka ng aral sa buhay nang sa gayun ay hindi ka matulad sa ka­nila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-17-29-33-36-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magkunwari kang mahina. Gawin mo ito nang sa gayun ay masob­rahan sa tiwala ang mga kalaban mo. Pagkatapos, sumugod ka na buo ang kalooban. Ito ang mensa­he para sa iyo. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-16-18-20-25-34-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi masa­ma ang ma­ngop­ya. Ang masama ay ang may na­kikitang maganda sa ka­pwa, pero hindi ito tinutu­la­ran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-18-23-26-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pagda­mutan ang la­lapit sa iyo kahit alam mong hindi niya matutu­pad ang kanyang ipanganga­ko. Sa ganito, ang la­ngit ay sasaludo sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-17-21-26-37-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mamili sa mga isasa­ma mo sa gusto mong ga­win. Kapag may hindi ka napili at may hindi ka na­pagbigyan, siya ang magi­ging mahigpit mong katung­gali. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-23-36-40-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang mag-alala sa sakripis­yong gagawin mo. Nakamasid sa iyo ang mga mata ng la­ngit. Hindi maililihim ang magagandang ginagawa mo sa iyong kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-13-27-30-35-45.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Duma­ting na muli ang mga araw na masuwerte ka. Ang isa pang balita ay dumating na rin ang araw ng kama­la­san ng mga kontrabida sa buhay mo. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-29-30-35-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isabuhay mo ang pagpapa­tawad sa mga gumawa sa iyo ng pagka­kamali. Mas magandang mabuhay nang maluwag ang kalooban kaysa sa may galit ka sa katawan. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-3-11-14-16-27-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page