FARR, DETERMINADO SA MOUNTAIN BIKE SEAG GOLD

ISA lang ang layunin ni John Jerrick Farr, ito ay ang kunin ang ginto sa Mountain Bike sa 30th Southeast Asian Games.
“My ultimate goal is to win the gold. I trained hard because I want to win and please my countrymen,” sabi ni Farr sa una niyang pagharap sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports kasama ang kanyang ama at coach Eboy Farr na ginawa sa National Press Club noong Huwebes.
Sinabi ni Farr, na magdiriwang ng kanyang ika-24 na kaarawan sa Hulyo 9, na lamang siya sa mga kalaban dahil kabisado niya ang ruta at pabor sa kanya ang home crowd.
Nang tanungin ang mahigpit na makakalaban, sinabi ni Farr na gold medalist sa PRISAA National Games, ang Malaysia at Indonesia. “Handa ako sa kanila dahil ensayado at well-exposed ako,” wika ni Farr na sasabak sa Lebanon bilang paghahanda sa SEA Games.
Kasama ni Farr sina Eleazar Barba at Lea Denise Belgira sa Mountain Bike sa dalawang divisions ng downhill five kilometers at 40 kilometers cross country. Limang bansa ang kalahok, ang Pilipinas, Malaysia, Indonesia, Singapore at Thailand.





Comments