top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

BEERMEN, GINAPI ANG ELITE; TNT SA TOP SPOT?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 15, 2019
  • 1 min read

WALANG awang tinambakan ng San Miguel Beer ang Blackwater Elite, 127-106 kagabi sa 2019 PBA Commissioner’s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Maagang nagparamdam ng lakas ang Beermen matapos nilang hawakan ang 15-point lead, 62-47 sa halftime.

Hindi nagpabaya ang San Miguel Beer sa second half kaya naman nanatili ang malaking bentahe at makuha ang importanteng panalo. Samantala, nais ng KaTropa na manatili sa tuktok ng liderato pagharap nila sa Meralco Bolts ganap na-4:30 ng hapon sa Araneta Coliseum.

Tangan ang 5-1 karta, sasandalan nila ang three-game winning streak upang masilo ang pang-anim na panalo. Huling kinalos ng TNT ang Barangay Ginebra Gin Kings, 104-96 noong Miyerkules. Kumayod si Roger Pogoy sa opensa para sa KaTropa sa huli nilang laro kung saan nagtala ito ng impresibong 38 points kaya paniguradong muli siyang kakapitan ng kanyang mga kakampi. Makakatuwang ni Pogoy sina import Terrence Jones at local Jayson Castro. Magkakaldagan ang Alaska Aces at Phoenix. (ATD)

Mga laro ngayon: (Araneta Coliseum)

4:30 p.m. - TNT vs Meralco

6:45 p.m. - Alaska vs Phoenix

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page