Babaeng namumroblema dahil hindi binabayaran ng nangutang
- ROMA AMOR
- Jun 15, 2019
- 1 min read

Dear Roma, Mayroon akong guro na nangutang sa akin ng pera, P5,000 ang inutang niya. Dahil kulang ang pera ko, nanghiram ako sa mama ko para lang mapautang ko siya dahil siyempre, teacher ko siya at nahihiya akong huwag siyang pautangin. Malaki ang tiwala kong magbabayad siya kasi nga guro siya at sumasahod, pero nu’ng sinisingil ko na siya dahil kailangan na rin ng mama ko ang perang hiniram ko, napakarami niyang alibi at naging pahirapan ang pagbabayad niya. Ano ang magandang gawin para rito? — Krishna
Krishna, Sa panahon ngayon, napakahirap nang magpautang o magpahiram ng pera, lalo na kung walang kasiguraduhang maibabalik ito sa oras na kailanganin mo na. Sa sitwasyon mo, hindi siguro mangungutang ang guro mo kung hindi siya gipit na gipit. Baka nagkataon din na wala pa siyang nakukuhang pera noong araw na siningil mo siya? Ang magandang gawin mo ay ipaliwanag mo sa kanya na kailangan na talaga ng iyong ina ang pera. Kung hindi man niya ito maibalik nang buo, kahit na ‘yung halaga ng ipinahiram ng mama mo ang una niyang bayaran para maibalik mo sa mama mo at para hindi rin siya masyadong magipit. Sana ay nakatulong ang aming payo. God bless sa iyo!





Comments