Akala tubig, ininom | 14-ANYOS PATAY SA INSECTICIDE

NASAWI ang isang menor-de-edad na lalaki matapos aksidenteng makainom ng insecticide na inakalang tubig sa Ocampo, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si John Axell Orcine, 14, na binawian ng buhay habang ginagamot sa ospital.
Batay sa imbestigasyon ng Ocampo Municipal Police Station, naglaro ng basketball ang biktima at nang umuwi sa bahay at sa sobrang uhaw nito ay nainom ang naturang kemikal na nakalagay sa disposable glass na inakalang tubig.
Gayunman, bigla na lamang umanong nag-iba ang pakiramdam ng biktima hanggang sa itinakbo na ito sa ospital at doon kinumpirma ng doktor na lason ang nainom ng bata.
Tumagal pa ng ilang araw ang buhay ng biktima ngunit, binawian din ito ng buhay.
Patuloy na inaalam pa kung sino ang nakapaglagay ng naturang kemikal sa baso.





Comments