top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

3 NPA todas sa engkuwentro

  • Jeff Tumbado
  • Jun 15, 2019
  • 1 min read

TATLONG miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa panibagong engkuwentro ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya sa Mansalay, Oriental Mindoro.

Sumiklab ang bakbakan sa hindi kalayuang komunidad sa Sitio Mawan, Bgy. Panaytayan, ala-1:30 ng hapon ng Huwebes.

Ayon kay Capt. Patrick Jay Retumban, itinawag sa kanilang kaalaman ng ilang residente ang presensiya ng nasa 40 armado sa lugar na umano’y nagsasagawa ng pagre-recruit kasabay na rin ng training doon.

Karamihan umano sa mga na-recruit ng rebeldeng grupo ay mga menor-de-edad.

Agad nagsagawa ng Focus Military Operation ang mga tauhan ng 4th Infantry Battalion, 76th Infantry Battalion at Mindoro Provincial Police Office-Public Safety Battalion at natunton ang mga kalaban.

Nagkaroon na ng palitan ng putok ang magkabilang panig na tumagal ng mahigit dalawang oras.

Nang humupa ang bakbakan at suyurin ang lugar ng pinagkublihan ng grupo ay nakita ang tatlong bangkay ng kanilang miyembro at ilang naiwang mga armas kabilang ang tatlong M16 armalite rifles; isang AK-47, isang .45 pistol, isang grenade launcher, dalawang IEDs at iba pang kagamitan.

Naniniwala ang militar na marami rin sa mga miyembro ng grupo ang nasugatan batay na rin sa nakitang mga bakas ng dugo sa encounter site habang wala namang nasawi o nasugatan sa panig ng tropa ng gobyerno.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page