1.4 katao apektado, mga pananim nasira | 5 DEDO SA MALAKAS NA ULAN
- Jersey Sanchez
- Jun 15, 2019
- 1 min read
LIMA ang nasawi habang libu-libo ang stranded sa malakas at tuluy-tuloy na buhos ng ulan sa Southern China.
Sa Jiangxi Province, daan-daang kabahayan ang nawasak at mahigit 10,800 ektarya ng pananim ang nasira.
Sa pagtaya ng pamahalaan ng bansa, umabot na sa 1.4 milyon katao ang direktang apektado ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Gayunman, 20,000 kabahayan ang nawalan ng kuryente sa Guangxi Region.
Ayon sa meteorological administration ng China, tatagal pa ang nararanasang masungit na panahon.





Comments