top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

PCUP caravan, adopt-a-community program at poor privilege card, handog ng PCUP sa masa!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 14, 2019
  • 2 min read

SA hangarin nating maihatid sa mga komunidad ang mga serbisyo na kinakailangan ng bawat isa ay patuloy na nagsasagawa ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ng mga programang nakahulma para sa mga maralita.

Isa na rito ang PCUP Caravan, isa sa tatlong priority programs ng komisyon kasama ng Urban Poor Privilege Card at Adopt-a-Community program na nakatakdang ilunsad ngayong taon.

Tanong: Magandang araw! Curious lang ako, Sir Alvin, ilang caravans pa kaya ang mangyayari ngayong taon at ilang tao na ba ang natulungan ng programang ito? — Vincent

Sagot

Magandang araw, salamat sa’yong tanong, Vincent! Nais kong ipaalam sa inyo na mula noong inilunsad ng PCUP ang Serbisyo Caravan noong Pebre­ro, tinatayang mahigit 35,000 katao na sa iba’t ibang parte ng bansa ang nabigyan natin ng direktang serbisyo sa tulong ng ating partner agencies at private companies tulad ng Grab Philippines.

Sa ngayon ay pinaplano pa natin na magsagawa ng 50 caravans sa buong bansa hanggang sa dulo ng kasalu­kuyang taon.

Ang PCUP Caravan ay nagsisilbing one-stop-shop ng mga serbisyo tulad ng libreng medical at dental services, scholarship at livelihood training opportunities, libreng legal assistance at local and international job fairs.

Nakikita ng PCUP ang tunay na pangangailangan sa serbisyo ng mga kapus-palad kada lungsod kaya sa tuwing binababa natin ang caravan ay mayroong pumapatok na serbisyo sa mga tao.

Para mapadali ang ating pag-access sa mga serbisyo ng PCUP, maaari tayong pumunta sa ating website sa www.pcup.gov.ph, bumisita sa ating Official Facebook Page na fb.com/pcupPH o magtungo sa ating ahensiya sa PCUP Central Office, 4th flr. DHC Bldg., 1115 EDSA, Prioject 7, Quezon City.

Mangyaring mag-email lamang sa pcup.media2019@gmail.com para sa inyong mga katanungan at sinisiguro nating sa susunod na paglabas ng ating column, mababasa ninyo sa pahayagang ito ang kasagutan sa inyong mga katanungan.

Inaasahan natin ang inyong mga katanungan dahil hangad natin ang magbigay-serbisyo para sa lahat. Muli, nagbabalik ang inyong lingkod upang magbigay ng direktang aksiyon para sa masa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page