NIC BELASCO, NILEKSIYUNAN ANG YOUNG GUYS SA LAKAN CUP


LIMANG taon ang nakaraan nang magretiro si multiple PBA champion Nic Belasco sa pro basketball at naging bahagi sa opening-day roster ng Pasig club na naglaro sa Maharlika Pilipinas Basketball League (PBA) Lakan Cup noong Miyerkules ng gabi. Deklaradong eligible ang ex-San Miguel Beer forward na maglaro ayon sa MPBL commissioner office sa ilalim ng “Fil-American” category para sa Pasig Sta. Lucia Realtors (dating Pasig Pirates).Makaraan ang kanyang playing days sa PBA, nagtrabaho si Belasco bilang deputy coach ng Phoenix Fuel Masters.
Nais niyang maibalik ang liderato at karanasan sa Pasig na ngayon ay nagbago ng management at hawak na ng Sta. Lucia. “I’ve always wanted to share my experience and teach the young guys,” ayon sa PBA veteran.
Nakasama na ni Belasco ang mga dating PBA players sa MPBL, kabilang sina Marlou Aquino, Mac Mac Cardona, Gary David, Jondan Salvador at Jayjay Helterbrand. (MC)





Comments