Malinaw ayon sa palad... PAMILYA NA NAKATAKDANG MAGING IMMIGRANT SA CANADA SA TAONG 2020
- BULGAR

- Jun 14, 2019
- 2 min read
KATANUNGAN
Matagal na akong tagasubaybay ng inyong mga kolum, binata pa lang ako at hanggang ngayong may pamilya na ako. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung matutuloy ba kami ng pamilya ko na maging immigrant sa Canada at kung matutuloy kami ay magiging successful kaya kami ru’n?
Kailan kaya kami makaaalis?
KASAGUTAN
Sadyang napakaganda at malawak ang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Kaya kung Travel Line (arrow a.) mo lang muna ang pagbabatayan, makaaalis ka talaga patungong abroad, ewan lang natin ang misis mo at ang iyong mga anak, kung tulad sa kaliwa at kanang palad mo ay may napakaganda rin silang Travel Line.
Gayunman, tuturuan ka na lang namin kung paano ang tamang pagtingin sa Travel Line na sinasabi upang ikaw na lang ang sumuri sa kaliwa at kanang palad ng misis mo at ng inyong mga anak.
Ang Travel Line ay ang tila sanga na umusad palawak sa ilalim ng Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow a at b.). Kapag may ganyang nakasanga na tila korteng letrang “y” na baligtad sa dulong bahagi ng Life Line (arrow a at b.) sa kaliwa at kanang palad, ito ay malinaw na tanda ng mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa.
Dagdag pa rito, kapag natagpuan ang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a. at b.) na nabanggit sa kaliwa at kanang palad ng walang hadlang o kumrokes na guhit, tulad ng nasabi na, ito ay tanda ng mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa.
Kapag may tila kumrokes na guhit o nakahambalang na guhit (d-d arrow c.) sa kaliwa at kanang palad sa nasabing Travel Line (t-t arrow a. at b.), ito ay tanda ng dalawang bagay: una, bago makapag-abroad, mabibigo o daraan muna sa mga pagsubok ang indibidwal, ngunit, sa paulit-ulit na pagtatangka, sa bandang huli ay makapag-a-abroad din siya.
Ang pangalawang ibig sabihin ng may tila kumrokes na guhit o nakahambalang na guhit sa Travel Line ay nagpapahiwatig na hindi masyadong magiging successful o mabunga ang nasabing pag-a-abroad.
Ngunit, tulad ng naipaliwanag na, kung malinaw at walang kumrokes na guhit sa Travel Line (t-t arrow a. at b.) sa kaliwa at kanang palad ito ay malinaw na katiyakan ng mabunga at mabiyayang pag-a-abroad.
DAPAT GAWIN
Sa ngayon, Mr. Libra, wala kang dapat gawin kundi ang ipagpatuloy lang ang pag-a-apply at paghahangad na makapanirahan sa ibang bansa at lalo mo pang sipagan ang pagpa-follow-up ng inyong mga papeles, dahil ayon sa inyong mga datos, tiyak ang magaganap, maaaring sa susunod na taong 2020 hanggang 2021 sa edad mong 33 pataas, kusa ng matutupad ang malaon mo ng pangarap na makapag-Canada at matapos ang mga ilang taon pa ay maaari ring sumunod ang iyong asawa at mga anak upang sa nasabing bansa, tuluyan na kayong magsasama-sama at makapaninirahan sa Canada nang masaya ang buong pamilya.




Comments