Kararating lang sa Kuwait | OFW DINUKOT, NI-RAPE NG PULIS

DINUKOT at sinasabing hinalay ang isang Pilipinang household service worker (HSW) ng isang Kuwaiti police officer na tumulong sa kanya sa loob ng airport sa Kuwait nitong Hunyo 4.
Puspusan ang pakikipag-ugnayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa pamamagitan ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait, ang Kuwaiti authorities para sa mabilisang pag-aresto sa suspek na umano’y humalay sa Pinay na hindi pinangalanan.
Ayon sa ulat sa DFA ni Embassy Chargé d’Affaires Mohd Noordin Lomondot, nag-isyu na ng warrant of arrest ang Kuwaiti authorities laban sa suspek na si Fayed Naser Hamad Alajmy, 22, Kuwaiti police officer.
Ani Lomondot, ang suspek na si Alajmy ang siyang umalalay sa naturang overseas Filipino worker (OFW) para sa finger scanning registration sa airport nang dumating ito sa Kuwait.
Sinasabing pagkatapos ng finger scanning registration, dinukot umano ng suspek ang Pinay at hinalay.
Nakikipagtulungan sa Embahada ng Pilipinas at mga awtoridad ang employer ng nasabing Pinay.
Siniguro ng DFA na gagawin ng gobyerno ng Pilipinas ang lahat ng hakbang upang makamit ng biktima ang hustisya.





Comments