CARRY OVER SA WTA AT SUPER 6 SA MMTCI

KAPANAPANABIK ang karerang magaganap ngayong gabi sa Additional One Win In Group Races kasabay ng “carry over ng Winner Take All (WTA) at Super Six” sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTI) sa Malvar, Batangas.
Nasa P452,213.53 ang carry over sa WTA at carry over ng P134,308.38 sa Super Six na matutunghayan ng publiko sa Race 1.
Nakalalamang ang Hello Junior, habang binibigyan ng laban ang mga katunggaling Kay Tagalog, Exelero, Kid Kenshin at Daldalero sa karerang nabanggit.
Sa Race 2, kasabay ng panimula ng Pick 6, asahan na magkakalaban ang Pious Ashley, Fighting Back, Yes All Wee Bet, Warrior Flame at Since When. Magaganap ang Pick 5 event sa Race 3 at ipinapatok ang Zophany Dane habang ang Summer Cruise, Batas Kamao at Boy Paradise ay may laban. Magkakalaban sa panimula ng Pick 4 sa Race No. 4 ang Shining Courage, couple entry na Big Sky, Samantha’s Bast, Blue Orchid at Magnitude Eight. Sa Race 5, ipinapatok ang couple entry na Pure Imagination at Warlock habang may tsamba ang Mahilig.
Makakalaban ng mahigpit ang Wood Ridge at ang couple entry na Avenue Shopper at Laughing Tiger sa Condition Race sa Race 6. Patibayan ang mga paratingan sa WTA, Pick 5, Pick 6 at Pick 4 sa pag-alagwa ng Condition Race (20) Sweetness, Alupay Star, ILoveHenry, Marino ng Tanglaw at Red Lion sa Race 7.
Tip ni Mang Ding: Race 1-Hello Junior (8) Exelero (7) Race 2- Yes All Wee Bet (4) Pious Ashley (5) Since When (7) Race 3- Zophany Dane (3) Summer Cruise (1) Batas Kamao (2) Race 4- Entry No.4 Blue Orchid (5) Magnitude Eight (2) Race 5-Entry No.3 Mahilig (5) Entry No.2 Race 6- Wood Ridge (2) Entry No.3 Rafa (5) Race 7- Marino Ng Tanglaw (7) Sweetness (6) Alupay Star (3)





Comments