top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Bilang ng mga naaabusong kababaihan, nakababahala!

  • Ryan B. Sison
  • Jun 14, 2019
  • 1 min read

BASE sa bagong istatistika, lumabas na 4 sa limang kakabaihan ang nakara­ranas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, araw-araw kung saan kabilang dito ang psychologically, economically, sexually at verbally.

Nakababahala ang ganitong pangya­yari dahil maaari itong humantong sa pagkawala ng buhay, lalo na kung hindi maaagapan.

Gayunman, ayon sa grupong ‘Kilusan para sa Pambansang Demokrasya’, sa loob ng 15 minuto ay kaya na umanong maabuso ang ilang babae kung saan ka­hit sa loob ng kani­lang tahanan ay maaari nila itong maranasan.

Samantala, hindi lingid sa ating ka­alaman ang mga pangmamaltrato o di­naranas na pang-aabuso sa kababa­ihan at babaeng kabataan sa ating lipu­nan at maging sa iba pang bansa, kaya dapat maging mapagmatiyag ang bawat isa at magsumbong sa kinauukulan kung ki­nakailangan.

Bagama’t, hindi lamang kababaihan ang nakararanas ng pangmamaltrato dahil nga­yon ay wala na itong pinipiling kasarian, ma­inam kung magiging daan tayo para hindi na ito lumala pa.

Huwag nating hayaang may mabik­tima na naman dahil hindi tayo gumawa ng paraan.

Labanan ang mga kamay na mapang-abuso, seguridad at proteksiyon para sa lahat, paigti­ngin!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page