Alamin mula kay Señor... MGA PANINIWALA TUNGKOL SA KAMALASAN

Bigyang-daan natin ngayon ang pagpapatuloy sa kasagutan sa email ni Alex ng Alex_The Gurlr@ facebook.com
Sa iyo Alex,
Noong nakaraan ay ibinahagi natin ang tinatawag na kamalasan sa buhay ng tao. Ngayon ay ibabahagi pa rin natin ang ilan sa mga ito:
Ang mga sirang gamit ay hindi na magandang gamitin pa tulad ng sirang pinggan.
Ang mga muntikan nang masunog na gamit tulad ng kaldero, initan ng tubig at iba pa.
Ang mga sirang damit kahit maliit lang ang sira o punit ay itapon na rin.
Gayundin, ang sirang kisame, dingding at iba pang bahagi ng bahay.
Bigyan-pansin din ang mga bitak sa loob ng bahay.
Maging ang mga tubo ay siguraduhin ding maayos pa.
Ang basag na tiles sa comfort room at kuwarto ay ayusin din.
Dagdag pa rito, ang sala set at dining table.
Ang totoo, kaya nasira ang mga bagay-bagay ay dahil sa mga ito ay minalas tulad din ng taong minalas kaya naaksidente.
Dahil dito, ang lahat ng malas o may kamalasan ay dapat nang itapon o huwag ng gamitin dahil hindi lang mga sakit ang nakahahawa kundi maging ang kamalasan ay nakahahawa rin.
Kaya mas magandang gumamit ng bago kaysa sa mga bagay na malas. Hindi mahalaga kung mamahalin dahil ang importante ay bago o walang kapintasan.
Gayunman, simple lang ang paraan para suwertehin at ito ay nagsasabing, dumikit ka sa sinusuwerte at makipagkaibigan ka sa may magagandang kapalaran dahil kung ang malas ay nakahahawa, ang suwerte ay nakahahawa rin.
Good luck and God bless!




Comments