top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

AFP, nganga sa pagbangga ng Chinese vessel sa bangka ng mga Pinoy, aruy!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 14, 2019
  • 1 min read

MAGSASAMPA ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China.

He-he-he!

◘◘◘

BINANGGA ng Chinese vessel ang bangkang-pangisda ng mga Pinoy sa Recto Bank.

Ang AFP, ‘nganga’ lang!

◘◘◘

AYON kay Spokesperson Salvador Panelo, ‘puputulin’ na raw ang relasyon ng Pilipinas sa China.

Maniwala kayo!

◘◘◘

MALABO na raw ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

Malaking gulo ‘yan!

◘◘◘

BINOMBA ng missile ang airport sa Saudi Arabia.

Gumagrabe na ang sitwasyon sa Middle East.

Apektado ang isang milyong OFWs!

◘◘◘

WALANG emergency medical crew sa set nang maaksidente si Manoy Eddie Garcia.

Nilabag nila ang Senior Citizens Act!

◘◘◘

KAPAG hindi stroke o sakit sa puso ang dahilan ng pagkakaospital ni Manoy, malaki ang pananagutan ng producer ng proyekto.

Milyones ang danyos dito!

◘◘◘

HUMINGI ng panibagong salary increase ang mga titser.

Hindi talaga sila “natututo”!

◘◘◘

BINULATLAT ang financial record ng sektang KAPA.

Dapat bulatlatin din ang financial records ng sekta nina Quiboloy, Eddie Villanueva, Eduardo Manalo at iba pa.

Unfair ang kanilang ginagawa!

◘◘◘

NAGKAROON ng kaso ang KAPA kahit walang complainant.

Anong klaseng gobyerno ini?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page