top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

P400-K natangay | SALISI GANG UMATAKE SA OSPITAL

Gina Pleñago
Jun 13, 2019
1 min read

NASA mahigit P400,000 halaga ng assorted items ang natangay mula sa isang mag-asawa matapos sumalakay ang hinihinalang miyembro ng Salisi Gang sa isang ospital sa Muntinlupa City.

Patuloy na nagsasagawa ng follow-up operation para sa ikadarakip ng suspek.

Kinilala ang mga biktima na sina Marlou, 47, at Medelen Deslate, 45.

Base sa inisyal na report na nakarating ng Southern Police District, alas-6:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa room 447, 4th floor, Alabang Medical Center sa Alabang-Zapote Road, Bgy. Ayala Alabang, Muntinlupa City.

Dito nadiskubre ng mga biktima na nawawala ang kanilang iba’t ibang kagamitan na nagkakahalagang P413,500. Hinihinalang nabiktima ang mag-asawa ng Salisi Gang.

Agad ipinagbigay-alam ng mga biktima sa mga pulis ang insidente na ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page